|
paglamig ng hangin manoling francisco, s.j.
paglamig ng hanging hatid ng pasko nananariwa sa 'king gunita ang mga nagdaan nating pasko ang noche buena't simbang gabi
koro: narito na ang pasko at nangungulila'ng puso ko hanap-hanap, pinapangarap init ng pagsasalong tigib sa tuwa ng mag-anak na nagdiwang sa sabsaban n'ung unang pasko
sa pag-awit muli ng himig-pasko nagliliyab sa paghahangad makapiling kayo sa gabi ng pasko sa alaala'y magkasama tayo
(koro 2x)
|