Entry: Aling landas ang susundin ng puso? Friday, October 28, 2005



Masalimuot ang buhay ko ngayon. Ganito ata talaga pag tumatanda. Habang tumatagal, mas nararanasan mo ang mundo. Kung dati rati'y simpleng tama at mali lang ang pinagpipilian mo -- tama ang sundin mo ang bilin ng iyong mga magulang, mali ang magnakaw ng hindi sa iyo; ngayon, muli't muli kang namumulat na hindi lahat ng bagay ay ganun kasimple, ganun kapayak.

Maraming suliranin. Maraming palaisipan. Tungkol sa Buhay at buhay-buhay. Sa mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Sa ating bansa. Sa paghahanap-buhay. Sa paghahanap ng buhay. Sa pag-ibig. Sa Dakilang Pag-ibig. Sa kanyang hindi pa masilayan nang lubusan. Sa Kanya.

At sa tuwina, nagpapasalamat ako sa kabalintunaan na sa pagsesentimiyento sa gitna ng lahat ng ito, naiibsan ako kahit konti. Katulad kagabi sa 70s Bistro.

Noel, ikaw pa rin talaga.


Sangandaan
Binhi

Walang komplikasyon
ang buhay mo noon:
kalooban mo'y panatag,
kalangitan ay maliwanag,
ang daan ay tuwid at patag
sa buhay mo noon.

Ngunit bawat pusong naglalakbay,
dumarating sa sangandaan:
ngayong narito ka,
kailangang magpasiya.
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya, saan mabibigo?
Saan ka tutungo?

Kay daling sumunod
sa hangin at agos:
aasa ka na ang dalangin,
gagabay sa 'yong damdamin.
Ngunit saan ka dadalhin
ng hangin at agos?

Alam mong bawat pusong nagmamahal,
dumarating sa sangandaan:
ngayong narito ka,
kailangang magpasiya.
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya, saan mabibigo?
Saan ka tutungo?

   1 comments

kaladkarin
November 3, 2005   09:39 AM PST
 
light, peace and love!

*hug*

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments