PAGMUMUNI SA DAGAT: ISANG GHAZAL
Naaawa sa sarili ang mumunting alon-dagat.
Siya'y patak na luha lamang sa namamayaning dagat.
Sa dadalawang lugar lang nakikita ang 'sang bangkay:
Ibabaw ng mga alon o sa ilalim ng dagat.
Maliligo na nga lang ba sa banyo at tubig-gripo
Kapag hindi makayanan ang alat sa tabing-dagat?
Sugat na dulot ng katig, ulit-ulit mang dumantal,
Nahihilom rin sa t'wina --- likas sa pagiging dagat.
Ang mga damdaming supling ng ating pakikitagpo,
Ay! Kay sakit kung hugutin bago lunurin sa dagat.
--------------------------
Ano ang isang ghazal?
Weaved at 6:01:47 pm by onylu