Wednesday, October 12, 2005
kailan pa man
kevin roy
di ko maintindihan
pangakong magpakailanman
nagsinungaling ka lang diyan
ang bukas mo't ng sinuman
ay di nakikita
at di maisasalba
kung tangayin sa agos ng panahon
kaya pansamantala
habang nandito pa
tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
hanggang sa dulo ng mundo
wag kang mangakong ganito
mahal ang pamasahe mo
magmahalan tayo dito
at di man kailan pa man
ang ating samahan
sarilihin ang pagkakataon
kaya pansamantala
habang nandito pa
tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
tuwing kapiling lang kita
ang mundo ko'y sumisigla
makulimlim man ang panahon
buhay ang buhay ko ngayon
at di man kailan pa man
ang ating samahan
sarilihin ang pagkakataon
kaya pansamantala
habang nandito pa
tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
at di man kailan pa man
ang ating samahan
sarilihin ang pagkakataon
kaya pansamantala
habang nandito pa
tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
Weaved at 11:32:05 am by onylu