Mula sa Guhit Babae ni Gracia Perdiguerra
-- Noong Pebrero, nakaligtaan kong ilagay dito sa blog ang isa sa apat na mga tula na gawa ni Gracia Para kay Van, Para kay Kath, Para kay Claire at para sa akin...
Para kay Kai
Tahimik ka sa isang sulok
nagbibilang ng oras at panaginip
habang tinig ng manunula'y
iyong iginuguhit.
Isang bote,
isa pa, at
kalauna'y
tahimik ang mga basong susuko
sa labi mong
mapaghanap,
sa kamay mo tangan ang bawat
damdamin.
Matapang mong binaybay ang madaling-araw,
hanggang kami'y maidlip,
at ikaw,
nagmamasid kung paano mo kami
kukumutan
ng iyong pag-ibig.
Weaved at 11:23:51 am by onylu