Para Kay Kai, Isang Rengga
Minsan na namang natulog ang buwan
Nahimlay sa duyan ng hanging amihan
Iniwan ang kalawaka't sa ngiti mo'y nagkubli
Upang maramdaman ang taglay ng iyong labi
Kasama ang panaginip, sinekretong pagtangi
Dala-dala sa dibdib, talisman na pag-ibig
Isang bukal na animo'y pinagsadlakan ng musmos na paligid
Walang ibang nais kundi sa iyo'y mapalapit
Dumaloy, bumuhay, magbigay-saysay
Sa gabing may pangarap ng pagsilay
Sa muling paggising ng bukang-liwayway
-- Pinoypoets, sa aking kaarawan
Weaved at 10:50:18 am by onylu